Wednesday, January 16, 2019

Parang Nasa Airplane! - Bus Biyaheng Baguio, May Own Movies kada Upuan, May Built-in Toilet at May Internet pa!

Ang pag biyahe papuntang bagyo ay medyo malayo at maraming stop-overs para kumain ang mga pasahero, ngunit karamihan sa mga ito ay hihinto para makapag-CR.


Ngayon, goodbye million stop-overs dahil may bagong high tech na bus papuntang Baguio. Ito ay may sariling toilet sa loob, na ang ibig sabihin ay kaunti nalang ang stop overs, para nalang kumain at mas mabilis ang pagdating sa Baguio.


Hindi maitago ang appreciation ng isang netizen na si Clarence Estandian Inso at nagpost agad ito sa social media ng kanyang magandang experience sa sinasakyang bus papuntang Baguio kamakailan.


Gusto niyang i-share sa mga netizens sa social media kung gaano ka comfortable ang kanyang biyahe at ipinakita din niya kung gaano ka high-tech ang bus na kanyang sinakyan.



Ang kamangha-manghang bus ay makapag-accommodate ng 28 na pasahero, na lalong mas comfortable dahil hindi crowded sa loob. Ang bawat upuan ay may sariling TV monitors, na kung saan ang mga pasahero ay maaaring manood ng mga palabas sa TV o mga movies, na parang nasa airplane ka lang nakaupo.


Bukod sa mga advanced at komportableng upuan nito, ang bus ay may sariling internet, kaya maaari kang mananatiling 'online while on travel.'



Ang mas nakakahanga pa nito, maliit lamang na dagdag pamasahe ang hinihingi ng bus na ito, magkakaroon ka na ng pagkakataong maranasan ang kaginhawaan na wala sa ibang mga bus. Mayroon itong sariling built-in na banyo, na nangangahulugang hindi na hihinto sa mga restaurants para sa toilet breaks.


Nangangahulugan din ito na aasahan ng mga pasahero na dumating sa Baguio ng mas maaga at mabilis dahil sa mas kaunting stop-overs. Ang pamasahe sa Baguio gamit ang high tech bus na ito ay Php730. Maaaring sumakay sa bus na ito sa kanilang terminal sa Avenida.

Loading...

Parang Nasa Airplane! - Bus Biyaheng Baguio, May Own Movies kada Upuan, May Built-in Toilet at May Internet pa!
4/ 5
Oleh