Wednesday, January 16, 2019

Video: SAMPOLAN YAN! - Ipapahanap sa Saudi ng OWWA Deputy Administrator ang Pinay OFW at Kabit nitong Engineer na si Edwin

Galit ang mga netizen sa isang pinay na OFW na nasa Saudi dahil kumabit ito sa isang pinoy Engineer, na kasalukuyang nasa Saudi din. Iniwan ng pinay ang kanyang asawa na isang tricycle driver kasama ang kanilang limang anak sa Pilipinas.


Lumapit si Charlie, ang asawa ng pinay OFW na si Sheerlyn Gerasta, kasama ang kanyang limang anak sa programang Tulfo in Action para humingi ng saklolo kay idol Raffy.



Nakausap sa telepono at na interview ni idol Raffy ang kabit ni Sheerlyn na si Edwin Madredio. Uminit ang dugo ni idol Raffy habang kausap si Edwin lalo na naaawa si idol sa mag-ama, dahil pinili ni Sheerlyn na iwan sila para kay Edwin.


Sa kabilang linya, nakausap naman ni idol Raffy ang asawa ni Charlie na si Sheerlyn. Ayon sa pinay OFW, ayaw na niyang balikan ang kanyang pamilya na naiwan sa Pilipinas lalong lalo na si Charlie.


Dahil dito, kinontak ni idol Raffy ang Deputy administrator ng OWWA na si Arnel Ignacio. Nakikinig lamang si Arnel sa usapan sa telepono sa pagitan nina idol Raffy, asawang si Charlie, kabit na si Edwin at Pinay OFW na si Sheerlyn.

Uminit din pati ang dugo ni Arnel habang pinapakinggan sila sa kabilang linya. Sinabi nito na tutulungan ang mag-ama na iniwan kasama ang kanilang limang anak at ipapakulong si Sheerlyn at ang kabit nito.



Nakapagdesisyon si Charlie na lumapit kay idol Raffy dahil hindi na niya alam ang gagawin lalo na hinamon siya ni Edwin na ipa deport ito. Ayon naman kay Arnel Ignacio, kokontakin niya lahat ng kanyang mga connection sa Saudi para may paglalagyan itong dalawang hunghang.




Galit para kay Sheerlyn at awa para kay Charlie at sa kanyang limang maliliit na anak ang nararamdaman ng ating mga netizens:

Loading...

Video: SAMPOLAN YAN! - Ipapahanap sa Saudi ng OWWA Deputy Administrator ang Pinay OFW at Kabit nitong Engineer na si Edwin
4/ 5
Oleh