Wednesday, January 16, 2019

VIRAL: Dahil Lang Walang Voter's ID ang ina, Hindi Tinanggap ang Batang Maysakit sa Pagamutan sa Dasmarinas!

Nagpost ang isang netizen sa Facebook para ibahagi ang kanilang nakakatakot na experience sa pagamutan ng Dasmariñas.


Nitong New Year lang daw ay dinala sa pagamutan ng Dasmariñas ang pamangkin ni Maricris dahil mataas ang lagnat nito at panay suka.



Pero ng dumating na sila sa nasabing pagamutan, naghintay pa sila ng kalahating oras para interview-hin ng kung ano anong tanong, sa halip na bigyan ng 1st aid ang bata.


Dehydrated na ang bata, saka lang nila binigyan ng paracetamol para sa lagnat. Alas dos na ng madaling araw nalagyan ng dextrose ang kawawang bata at halatang nahihirapan na ito.


Ayon sa mga doktor at nurses na naroon, ang ibibigay na treatment muna ay para sa dehydration pero nag-alala sina Maricris dahil lumalala ang rashes ng bata pero wala man lang kahit na anong gamot ang ibinigay para dito.



Hapon na ng nagdesisyon ang mga doktor na i-confine ang bata dahil nakikita na nilang hirap ng huminga ito. Pero ang masaklap, hindi na-admit ang bata sa nasabing pagamutan dahil hindi botante ang nanay sa Dasmarinas at wala daw itong voter's ID.


Nakipagtalo pa ang tiyahin ng bata at sinabing taga doon siya pero ang sabi ng nurse ay hindi daw pwede dahil kailangan ang ina ng bata ang botante. Ang nangyari, pinalipat sila ng ibang hospital.



Pinalipat lang din pala ng hospital, sana sinabi na daw agad sa kanila para mabigyan ng agarang lunas ang bata, hindi yung pinapahintay pa sila ng 20hrs sa hospital pero wala rin namang ginawa ang mga ito.


Lumipat sila sa hospital ng St. Michael, at doon, inasikaso ang bata at binigyan ng mga kinakailangang gamot.


Pero sabi ni Ma Ri Cris, natuto sila ng isang malaking leksyon, "wag iasa s public hospital ang kalagayan ng mahal mo sa buhay pra lang makatipid ka." Eto ang buong post ni Ma Ri Cris.



Basahin ang full post ni Ma Ri Cris:


January 3 at 6:43 AM · Take time to read., tungkol eto s naranasan namin s Pagamutan ng Dasmariñas !!! Hindi ko tlga makakalimutan ang pagpasok ng taon 2019. sakto magpalit ang taon sinusugod namin s Pagamutan ng Dasmarińas ang pamangkin ko kasi napakataas ng lagnat na hindi bumababa at suka na ng suka.


Kahit marami ako nababasa na negative comment s hospital na yan tinuloy ko parin na dalahin namin cya pra makatipid din s mga gagastusin kung sakali for admission na ang pamangkin ko. dumating kami cguro doon mga 1:00am hiningian ng information at nag antay ng halos 30mins bago na interview ng nurse.


Tinanong ang history ng sakit after ng interview nag antay naman kami pra s check up ng doctor. cguro mga 2:00am na macheck ng doctor ang pamangkin ko. tinanong kung ano history ng sakit. ( Dec 27 pina check namin cya kay Dr.Senson kc on & off ang lagnat at may ubo at sipon.


Diagnosis ni doc may tonsilitis kasi may mga red spot malapit sa tonsil nya. kaya niresetahan ng Cefaclor antibiotic after 2days Dec 29 nilabasan ng maraming rashes s buong mga binti binalik namin ulit kay Doc Senson pra ipa check kung bkit nagka allergy pina labaratory ang dugo pra malaman kung may dengue ba.


After the result ng lab normal naman ang dugo at pinabawasan nlng ng dosage ang antibiotic. kinabukasan Dec 30 lalong dumadami ang mga skin rashes at sobrang taas ng lagnat nya kaya nag decide kami na dalahin ulit cya s ibang doctor kay Virata.


Findings ng doc sa Virata na hypersensitivity sa antibiotic na una naireseta kaya pinapalitan lahat ng gamot na ininom nya lalo na yung antibiotic. umuwe kami ulit s bahay at mula ng inumin niya ang mga bagong gamot na nireseta nagsimula naman cya ng suka na ng suka hangang kinabukasan Dec 31 mula umaga,tanghali,hapon at gabi ay sumusuka lng cya kpag naiinom ang mga gamot.


Hanggang dumating ang 12mn na sakto dun na sumuka na naman cya kaya nag decide na dalahin s Pagamutan ng Dasmariñas. ) 2:20am pinalagyan na cya ng swero ng doctor kasi dehydrated na ang pamangkin ko at binigyan ng paracetamol.


Buong magdamag at maghapon ang pamangkin ko s Pagamutan ng Dasma hindi bumababa ang lagnat nya at wala binibigay s knya na ano man na gamot bukod s paracetamol dhil under observation daw. panay ang tanong ko sa mga nurses at doctor kung wala ba ibang gamot na ibbgay kasi padami ng padami ang rahes nya at hindi bumababa ang lagnat at may ubo at sipon pa sagot lng nila wala daw kc dehydration lng muna ang itreat muna sa kanya.


Hanggang naghapon na nag 41•c na ang pamangkin ko at nahihirapan na huminga tyaka nag decide ang doctor na for admission hiningian ng voters ID ang kapatid ko eh hindi cya botante dito s dasma at sinabi ako ang botante dito hindi parin nila tinanggap dahil kailangan ang mismong nanay ng bata ang botante policy daw tlga ng hospital nila kpag hindi botante ay hindi pede ipapa admit s hospital nila.


Pede sila bigyan ng pang unang lunas pero need ipa transfer s ibang hospital. ang kinagagalit namin kung yun pala ang policy nila dapat sana mula pa nung madaling araw na dumating kami doon ay sinabi na nila na hindi sila tatanggap ng hindi botante ng dasmariñas kasi willing naman kami ililipat nlng namin agad hindi yung tumagal na cya halos dun ng 20hrs na dextros at paracetamol lng ibbgay ng may complecation na yung bata at inantay pa nila na dumaing ng nahihirapan ng makahinga at masakit na ang tiyan at ulo at nag chichill na ang pamangkin ko tyaka nagbgay ng antihistamine pra s allergy at omeprazone pra s pananakit ng tiyan.


Sana maaga plng ay nagawa na namin agad pra mas naagapan ang bata. buong magdamag naka swero ang pamangkin ko na nakaupo lng s monoblox na upuan.paano magiging komportable ang bata ng ganun ng hindi makatulog ng maayos. sobra lng pagka dismaya ng pamilya ko s ngyari or na experience namin s Pagamutan na yan.,


Totoo pala ang mga kwento na pababayaan klng dyan at hindi matatanggap kpag hindi botante. bwiset na policy yan na hindi dapat ganyan at patakaran daw yan ng gobyerno. so panget pala ang municipality ng dasma at nagpatayo ng hospital na pra lng s mga botante ng dasma. hindi ko alam kung tama ba ang ganyang policy o mali.


Dito namin s St.Michael Medical sa Molino pina transfer ang pamangkin ko at after ma admit dito kinabukasan ng umaga ay hindi na nilagnat ang pamangkin at sbi ng doctor buti naagapan ang pamangkin ko dahil once na nahirapan huminga ang bata ibig sbhin ung allergy nya ay pumapasok na sa baga nya. may bacteria na ang dugo at urine nya kaya hindi nababa ang lagnat kaya nagkaroon na ng infection.


Kaya ano ang ginawa ng Pagamutan kung dito sa St.Michael eh after 6hrs na treat nila ang allergy na mag lessen at hindi na nilagnat mula ng kahapon ng umaga.. After ma treat ang pamangkin ko s St.Michael they advise na ilipat namin s ibang hospital na may specialista na sa Allergy or Allergologist.


Proud ako s pedia ng St.Michael kc aminado cya na hindi na nya specialist ang case ng pamangkin ko kc sobrang laking perwisyo tlg s knya ang allergy nya na nag cause na nainfection na sa katawan nya.kaya naghahanap na naman kami ng ibang hospital na merong expert sa case niya at sobrang laking pasalamat kami na dito lng malapit s St.Michael ay meron Allergologist.


Lumipat kami sa Molino Doctors Hospital kahpon Jan.5, 2019 kung saan may specialista na Pediatric Allergologist nasa kasalukuyan tinitreat cya pra ma control ung infection nya s katawan. kung ginawa lng sana ng pagamutan agad ang nagawa ng St.Michael Hospital at Molino Doctors Hospital eh di sna hindi kami umabot sa ganitong senaryo at naging ok agad ang pamangkin ko sana.,


Hindi tulad ngyn na na infection na ang katawan nya dahil hindi na treat agad ang kanyang sakit. Lesson Learn: wag iasa s ibang public hospital ang kalagayan ng mahal mo sa buhay pra lng makatipid ka. dahil may mga ibang pagamutan tlg na napapabayaan klng dahil sa salitang "Public Hospital lng" ...


At isa pa nga pala umabot ng 3k mahigit ang bill ng pamangkin ng wala naman ngyare although ayaw ko naman sila iblame na wala sila nagawa na pang unang lunas kasi may nagawa naman sila kaso ni refuse nila iadmit s hospital nila na kailangan ipalipat pa ng ibang hospital.


Hindi nagustuhan ng mga netizens ang inasal ng hospital ng dahil walang voter's ID ang ina, hindi tinanggap ang bata:

Loading...

VIRAL: Dahil Lang Walang Voter's ID ang ina, Hindi Tinanggap ang Batang Maysakit sa Pagamutan sa Dasmarinas!
4/ 5
Oleh