Sunday, March 10, 2019

Watch: Netizen, Na-alarma!! Laminated Plastic Skin sa Galunggong na Isda??!!

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang viral video na kung saan pinost ng isang concern netizen ang kanilang nabiling 'Galunggong' na isda na sinasabing binabalot ito ng laminated plastic skin.


Sa kasalukuyan, marami ng nagkalat ngayon na mga pekeng produkto ng pagkain hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba't ibang bansa.


Ang online community ay nagpo-post ng mga video at mga larawan na nagpapaalam sa publiko upang maging mas maingat at maselan sa pagbili ng mga produktong pagkain para sa kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay.


Loading...

Kamakailan lamang, ang isang Facebook user at concern netizen na nagngangalang Myrna Garcia kasama ang kanyang isang kapamilya ay nag-upload ng video footage ng 'Galunggong' na nagsasabing ang balat nito ay may plastic na materyal.


Sa video, makikita na iniisa isa ni tatay na alisan ng laminated plastic skin ang Galunggong na isda. Ayon pa kay tatay, nagtataka daw siya dahil kahit na matalas ang kanyang kutsilyo, ang hirap hirap daw hiwain at doon nya nakita na may laminated plastic sa balat ng isda.


Panoorin at kayo na po ang bahalang humusga:

Ang video ay kumalat na parang apoy sa iba't ibang mga social media pages online, dahil na rin siguro gusto ng mga netizens na maging aware ang publiko sa mga pagkain na kanilang binibili.


Nagdulot ito ng iba't ibang reaksyon ng mga netizens sa social media pagkatapos makita ang nasabing video. Basahin ang ilan sa kanilang mga komento:


Loading...

Watch: Netizen, Na-alarma!! Laminated Plastic Skin sa Galunggong na Isda??!!
4/ 5
Oleh